Bulakenyo ginunita ang ika-172 guning taong pagsilang ni Gat. Marcelo H. Del Pilar

BULAKAN, Bulacan–GINUNITA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang ika-172 Guning Taong Pagsilang ni Gat Marcelo H. Del Pilar kung saan idineklara ang petsang Agosto 30 bilang non-working holiday sa probinsiya kasabay ng pagdiriwang ng kauna-unahang National Press Freedom Day.

Katulad sa nakaraang kaparehong selebrasyon dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas nitong Martes na dinadaluhan ng mga multi-sectoral groups ay kanselado pa rin.

Isang simpleng seremonya lamang ang isinagawa gaya ng pagtataas ng Watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Marcelo H. Del Pilar na pinangunahan ni Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro kasama ang panauhing pndangal na si First District Representative Congressman Danilo Domingo.

Kabilang sa mga kinilala at nag-alay din ng bulaklak ay ang mga national at local journalists kung saan ang National Press Club of the Philipines (NPC) sa pamumuno ni President Lydia Buena ay kinatawan ni Carmela Reyes-Estrope, president ng Central Luzon Media Association (CLMA) kasama ang Bulacan Press Club sa pamumuno ni Omar Padilla.

Kasabay ng pagdiriwang ng Marcelo Day, pinangunahan ni Reyes-Estrope ang CLMA sa pagsasagawa ng tree planting sa Gen. Gregorio Del Pilar Integrated School Sa nasabi ring bayan kasama ang iba pang opisyales nito na sina Arnel San Pedro, pangulo ng CLMA-Pampanga; at mga kinatawan mula sa Tarlac Chapter at Nueva Ecija Chapter.

Nabatid na taong 1985, kasama ang National Press Club at Bulacan Press Club ng national at provincial government officials sa pagkuha sa mga labi ni Del Pilar at dinala sa hometown nito sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas.

Si Del Pilar ay tinaguriang “the great propagandist” at kinilala rin bilang Father of Philippine Journalism.

Ang buong bansa ay ipinagdiriwang din ang kauna-unahang National Press Freedom Day matapos aprubahan at lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 116991 na nagdedeklara taun-taon ang Marcelo Del Pilar Day bilang National Press Freedom Day.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews