Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando at ng ilang lokal na opisyal sa simple at payak na pagdiriwang ang ika-123 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Malolos Congress na may temang “Kongreso ng Malolos: Gabay sa Pagsulong sa Hamon ng Kasalukuyang Panahon”, na ginanap sa makasaysayang Barasoain Church sa City of Malolos nitong Miyerkules sa gitna ng pandemiya.
Ang selebrasyon ay sinimulan sa taunang tradisyon ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas na sinundan ng wreath laying ceremony sa munumento ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang kauna-unahang pangulo ng bansa na isinagawa sa Barasoian Church na pinangunahan ng gobernador kasama sina Vice Governor Willy Alvarado, Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian, Vice Mayor Noel Pineda, at Candido Castro mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Dr. Eliseo Dela Cruz, hepe ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO).
Ayon kay Fernando, ang pagtitipon sa Malolos Congress noong September 15, 1898 ay nagsisimbolo ng pag-asa matapos ang daan-daang taon ng pananakop ng mga foreign invaders, at sa pamamagitan aniya ng paggunita sa araw na iyon, ang mga Bulakenyo ay nakakakita ng liwanag ng pag-asa sa gitna ng pandemiya.
“Ang 123 taon na lumipas sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos ang simula ng pagbangon ng ating bansang Pilipinas mula sa mga mananakop. Ito ay umpisa ng pagkakaroon ng ating bansa ng kalayaan na pamunuan ang ating sarili,” said Fernando.
Ang pag-alala umano sa 123rd anibersaryo ng Malolos Congress ay siya namang pagattapos ng weeklong celebration ng Singkaban Festival 2021 na inorganisa ng National Historical Commission of the Philippines at ng Provincial Government of Bulacan at PHACTO.
Idineklara rin ng Malacanang na ang araw ng Miyerkules (September 15, 2021) ay special non-working day sa buong lalawigan ng Bulacan.
Base sa Proclamation No. 1213, na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea na inaprubahan ni President Rodrigo Duterte, ito ay nagsasaad na ang lalawigan ng Bulacan ay ginugunita ang 123rd anibersaryo ng pagkakatatag ng Malolos Congress (September 15, 2021), ay idinedeklarang special non-working day sa nabanggit na probinsiya.