Tinatayang aabot sa P352M infrastructure project ang gugugulin ng Bulacan State University (BulSU) para sa 1st at 2nd quarter ngayong 2024.
Ito ang ibinahagi ni BulSU President Dr. Teody San Andres sa kaniyang 100 days report kamakailan kung saan inilahad nito ang mga na tapos at mga nakalinyang proyekto nito buhat nang iatalaga siyang presidente ng nasabing Unibersidad.
Sa panayam kay San Andres, sinabi nito na mayroong P178-milyon approved infrastructure project para sa 1st quarter ng taon at nasa P174-milyon naman para sa proposed infrastructure para sa 2nd quarter ng taon.
Kabilang sa unang bahagi ng taon ay ang konstruksyon ng P110M structural foundation (bored piling works) ng 5-storey College of Architecture and Fine Arts Building Phase I; construction of road development Phase 2 sa BulSU 25-hectare lot na nilaanan ng P20-milyong pondo; P10-million rehabilitasyon at konstruksyon ng covered walkway sa main campus; konstruksyon ng P10-million 2-storey building ng Smart Tech Learning Hub sa Information Technology students sa Hagonoy Campus.
Kasama rin dito ang konstruksyon ng P7-million Simulation Building para sa Hotel Management students; construction of P5-million Engineering Laboratory sa Meneses Campus; P6-million Automotive Center sa BulSU Bustos Campus at ang P10-million 2-storey building sa Sarmiento Campus bilang Faculty at Dean’s Office.
Para naman sa proposed infrastructure ng 2nd Quarter ng taon ay kabilang dito ang P50-million 2-storey Laboratory Building na itatayo sa San Rafel Campus; P17-million Completion of BulSU Activity Center; P15-million Upgrading of Electrical Marine sa Athlete’s Building, Pimentel and College of Law; at ang P20-million Embarkment of Soil sa BulSU 25-hectare Lot-Phase 1.
Inilahad din ni San Andres ang mga project sa nagdaang 2023 gaya ng infrastructure and repair ng Conference Room sa 4th floor ng Alvarado Hall; Driver’s Lounge sa Gate 3 ng main campus; renovation ng Publication’s Office; konstruksyon ng Covered Walkway sa bahagi ng Gate 1; pagkumpuni sa University Shop at ang renovation ng Student’s Government Office.
Kasama rin ng Ika-100 Araw na Ulat ni Dr. San Andres ay ang pagkakaloob ng additional sa cash incentive sa mga Top 10 Board Examiner Placers: mula sa P50K ay ginawa itong P80K para sa 1st Place, P30K to P50K sa 2nd Place, P20K to P40K sa 3rd, P15K to P30K sa 4th, P12K to P20K sa 5th at P10 to P15K sa 6th to 10th Placers.
Bukod sa mga topnotches ay d inagdagan din ni San Andres ang faculty training allowance mula sa P20K ay P30K na ngayon at nagkaroon din ang Unibersidad ng Faculty Promotion sa kani-kanilang academic rank gayundin ang pagkakaroon ng healthcare and retirement benefits para sa mga kuwalipikadong kawani.