Buwan ng Wika Trade Fair, binuksan sa lungsod ng Tarlac

Binuksan ng Department of Trade and Industry o DTI ang Tatak Pinoy Buwan ng Wika Trade Fair sa CityMall  sa lungsod ng Tarlac bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Ito ay inorganisa katuwang ang Tarlac Henyo Entrepreneurs Marketing Cooperative 

Ayon kay DTI OIC-Provincial Director Florencia Balilo, may 14 micro, small and medium enterprises o MSMEs ang nakikilahok upang itampok ang kani-kanilang produkto.

Hinikayat naman ni Balilo ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produktong lokal ng probinsya bilang suporta sa paglago ng hanap-buhay ng mga negosyante.

Aniya, malaki ang kontribusyon ng mga MSME sa pagbibigay ng trabaho sa mga Tarlakenyo at muling pagbangon ng lokal na ekonomiya bunsod ng pandemya.

Magtatagal ang trade fair hanggang sa ika-24 ng Agosto. (CLJD/TJBM-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews