Camp General Alejo S Santos, City of Malolos, Bulacan — Isang Cessna aircraft ang nag-emergency landing at sumadsad sa isang bukirin sa Barangay Barihan, Malolos City, Bulacan nitong Sabado ng hapon, Pebrero 10, 2024.
Ayon kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director, ang Cessna 152 Aircraft Model ay nagkaroon ng emergency situation at kinakailangang mag emergency landing.
Nabatid na bandang alas-2:30 ng hapon nang mag landing sa malawak na bukirin ang nasabing eroplano na sakay sina Capt. Ysmael Argonza ang ang estudyante nito na si Iñigo Martin buhat sa routine flight nito mula Subic patungong Plaridel Airport nang magkaroon ng aberya.
Sa report ng piloto, napagalaman na agad napansin nito na may fuel shortage sa kanilang biyahe kaya nagdesisyon na mag emergency landing.
Ayon kay Arnedo, hindi nag-panic ang piloto at estudyante nito at mahimalay na naisagawa ang emergency procedures sa ganung sitwasyon at naiwasan ang potential risks.
“Their adherence to proper protocols and effective decision-making undoubtedly contributed to the successful outcome of this situation, ani Arnedo.