Mas mahigpit na implementasyon ng checkpoints sa mga border control points sa lalawigan ng Bulacan ang pinaiiral ngayon ng Bulacan Police para mapigilan ang pagkalat o hawahan ng bagong Omicron variant ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ang lalawigan ng Bulacan kabilang ang mga probinsiya ng Rizal, Cavite at Laguna ay nasa ilalim ng tighter restriction Alert Level 3 mula Enero 3-15 dahil sa patuloy at mabilis na pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Nitong Huwebes ay isinama na rin ang 14 pang lungsod at mga probinsiya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa Alert Level 3 dahil sa alarming increase ng COVID-19 cases sa mga nagdaang mga araw, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ito ay ang mga Baguio City sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City sa Region 1 (Ilocos); City of Santiago at Cagayan sa Region 2 (Cagayan Valley); Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga at Zambales sa Region 3 (Central Luzon); Batangas at Lucena City sa Region 4-A (Calabarzon); Naga City sa Region 5 (Bicol); Iloilo City sa Region 6 (Western Visayas); at Lapu-lapu City sa Region 7 (Central Visayas).
Ayon kay Governor Daniel Fernando, inatasan na niya si PCol. Manuel Lukban, Acting Provincial Director of Bulacan PNP na ipatupad ang mas mahigpit na border control points sa mga boundaries sa Bulacan partikular na sa mga entry points na mula sa National Capital Region (NCR).
“Inatasan na natin ang kapulisan pati na ang mga LGUs para maghigpit hindi lamang sa mga checkpoints pati na rin sa mahigpit na implementasyon ng health protocol para sa seguridad at kaligtasan ng lahat,” wika ni Fernando.
Sabi ni Lukban, nasa 112 police officers at force multipliers ang kaniyang pinakalat para bantayan ang 24 quarantine control points, 17 dito ay provincial boundaries (Bulacan-Manila, Bulacan-Pampanga, at Bulacan-Nueva Ecija) at 7 sa North Luzon Expressway (NLEX) exit.
Aniya, ang lahat ng control points at police visibility ay pinalakas at hinigpitan province-wide bilang tugon sa derektiba ng gobernador at sa kautusan ng pamahalaang nasyunal na stringent enforcement of Alert level 3 sa Bulacan para mapigilan ang paglala ng sitwasyon kaugnay ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease cases.Kabilang dito ang mga lugar na binabantayang border Quarantine Control Points (QCP) are located in Brgy. San Roque Rd., Baliuag, (Candaba, Pampanga Boundary), Brgy. Tilapayong, Baliwag, (Apalit, Pampanga Boundary), Barangay Gatbuca, Calumpit, (Calumpit-Apalit, Pampanga Boundary), Shelterville, Brgy. Loma De Gato, Marilao, (Phase 10 Brgy Bagong Silang Caloocan City), Brgy. Bagbaguin, Meycauayan, (Road Closed-Valezuela Boundary), Brgy. Bahay Pare, Meycauayan (Caloocan Boundary), along Mcarthur Highway, Brgy. Bancal, Meycauayan, Brgy. Lawa, Meycauayan, Bulacan (Valenzuela Boundary), Brgy. Catanghalan, Obando, Brgy. Panghulo, Obando, Brgy Bulualto, San Miguel, (Provincial Boundary of San Miguel to Gapan, Nueva Ecija), Brgy. Dagat-Dagatan, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary), Brgy. Pansumaloc, San Rafael (San Rafael-Candaba, Pampanga Boundary), Brgy Batasan Bata, San Miguel, Bulacan (Provincial Boundary of San Miguel to Candaba, Pampanga), Dela Costa Homes, SJDM, Bulacan (Phase 7 Brgy. Bagong Silang, Caloocan City), Evergreen Heights, SJDM (Phase 10, Brgy Bagong Silang Caloocan City) and Sapang Alat, Brgy. San Miguel, SJDM (Brgy. Malaria, Caloocan City).
Ang mga control points naman sa NLEX ay ang northbound exit sa Barangay Turo, Bocaue; NLEX Philippine Arena Barangay Igulot, Bocaue; NLEX northbound exit sa Barangay Tambubong, Bocaue; NLEX exit bound sa Barangay Sta Rita Guiguinto; NLEX southbound sa Barangay Patubig, Marilao; NLEX toll exit southbound sa Barangay Malhacan, Meycauayan City; at Pulilan Exit, South Bound, Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan.”Only those providing basic services, essential needs, necessary items, utilities, and other authorized personnel are permitted to enter and exit the province’s borders,’ ani Lukban.