Chinese investors maglalaan ng P14B investments sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS- Inani ng Lalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando at Changsa County, Hunan Province, China na pinamumunuan ng Party Secretary ng CPC Changsha Municipal Committee Wu Guiying, ang bunga ng kanilang pakikipagtambal na binuo limang taon na ang nakalilipas sa paglagda ng apat na bagong proyekto sa lalawigan noong Linggo.

Aabot sa kabuuang mahigit $254-milyon o nasa P14.2-bilyon ang ilalaang puhunan sa mga negosyong itatayo sa lalawigan ng Bulacan.

Kabilang sa mga bagong pamumuhunan sa lalawigan ang Broad Group Philippines Government Affordable Housing Project na may halagang $18 milyon; Import of Philippine Aquatic Products na may halagang $40 milyon; Sales and Local Assembly of Foton Philippines Vehicles in 2024 na may halagang $180 milyon; at Sales Contract for Excavator Equipment na may halagang $16.82 milyon.

Maliban dito, nagbigay din ng donasyon ang mga negosyanteng Intsik kabilang ang Philippine Hunan Chamber of Commerce, Sunward Philippines Inc., Zhongxin Guotai Construction Corporation, Zoomlion Heavy Industry Philippines Inc., Hon-Kwang Electric Philippines Inc., at Sany Philippines Inc. ng mga food at non-food item kasama ang 435 kahon ng gamot, 165 kahon ng diaper, 140 kahon ng de lata, 100 sako ng bigas at 250 assistive devices sa lalawigan.

Ipamamahagi ang mga donasyon sa 29 na ampunan at tahanan para sa mga matatanda sa lalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Ayon kay Fernando, buong kababaang loob, nasasabik siya sa potensyal nang pagtutulungan, at inaabangan niya ang hinaharap na puno ng matagumpay na kolaborasyon at pinagsamang kasaganaan sa pagitan ng dalawang lalawigan.

“Let us seize this opportunity to work together, building bridges that connect our regions and create new avenues for development. Together, we will write a chapter of success and cooperation that will be remembered for generations to come,” anang gobernador.

Samantala, sinabi ni Wu Guiying na minamarkahan ngayong taon ang ika-10 taong anibersaryo ng joint construction na inisyatiba ni Pangulong Xi Jinping, at mahalaga ang ginagampanan ng Pilipinas dito. 

“We sincerely hope that both parties will seize the opportunity of the comprehensive implementation of RCEP, further expand practical cooperation in modern agriculture, biomedicine and other fields, promote the vigorous development of education, culture and tourism in the two places, and better achieve complementary advantages, mutual benefit and common development,” aniya. 

Noong 2018, nilagdaan ng Lalawigan ng Bulacan, Pilipinas at Hunan Province, People’s Republic of China ang Letter of Intent on the Establishment of the Friendship Relationships sa pagitan ng dalawang probinsiya.

Nagkasundo ang parehong panig na gagawa ng magkasamang pagsisikap na nakabase sa pagkakapantay-pantay at parehong benepisyo upang itaguyod ang konteksto ng tao sa tao at pinagsama-samang pakikipagkalakan at masiglang pakikipagpalitan at kooperasyon sa larangan ng ekonomiya, pakikipagkalakan, agham at teknolohiya, kultura, palakasan, kalusugan, edukasyon, kabataan, administrasyon at iba pang katulad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews