Chinese national patay sa Bulacan drug bust, P510M shabu narekober

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos — Isang 50-anyos na Chinese National ang napatay ng mga operatiba kung saan 75 kilos ng hinihinalang white crystalline substance o “shabu” na nagkakahalaga ng P510,000,000.00 ang narekober sa ikinasang buy bust operation sa Balagtas, Bulacan nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office (PPO) director PCol Lawrence Cajipe, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3, Bulacan PPO at Balagtas Police Station na humantong sa armed confrontation na nagresulta sa pagkakapaslang sa 50-anyos na Chinese national na nakilalang si Wu Zishen, residente Barangay Santol, Balagtas, Bulacan.

Base sa panimulang imbestigasyon, isinagawa ang drug entrapment buy-bust operation ng mga nasabing operatiba bandang alas-5:40 PM sa Warehouse No. 3 Grand SG Barangay Borol 2nd ng nasabing bayan.

Matapos bumagsak sa ikinasang patibong, nanlaban ang suspek at ang kasama nito na nakilala lamang sa alyas na “Chen Hongli” na ikinasawi ng suspek na si Wu Zishen habang ang kasama nito ay nagawang makatakas.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 75 piraso ng Green Tea Bags na naglalaman ng hinhinalang shabu na tumitimbang ng 75 kilos  at nagkakahalaga ng  ng P510,000,000.00, 2 cellphones, 2 identification cards, buy-bust money at isang Colt. 45 pistol.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews