Church personnel binakunahan ng Bulacan mobile vaccine clinic

Mga church personnel na kinabibilangan ng mga pari, madre, seminarista at mga church volunteers ang unang tumanggap ng serbisyo mula sa isinagawang dry-run ng mobile Coronavirus disease (COVID-19) vaccination clinic ng Provincial Government of Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) nitong Biyernes sa Immaculate Conception Major Seminary in Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay  Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health Officer II and Cluster Head of the Response Operations Cluster, nasa 60 front line health workers ng PHO ang nangasiwa sa nasabing dry-run operation ng mobile COVID-19 vaccination clinic.

Nabatid na humiling ang Diocese of Malolos na si Fr. Vince Reyes, health care in-charge kay Governor Daniel Fernando na sila ay mabakunahan partikular na ang mga madre (Mongha) na hindi pinapayagang makalabas ng kumbento.

Ayon kay Fr. Reyes na natatakot rin silang mga pari na lumabas makaraang halos sampung mga pari na ang tinamaan o nagpositibo sa COVID-19 disease kabilang na si Bishop Dennis Villarojo na kamakailan lamang nakarekober.

Dahil dito ay agad na tumugon ang gobernador at mabilis na inatasan si Dr. Celis na makipagkoordinasyon at sa pamamagitan ng  mobile vaccine clinic, isinagawa ang dry-run at nabakunahan ang may 340 church personnel ng unang dose ng SinoVac vaccine.

“We are extremely grateful to our governor for always supporting us and sending mobile vaccination clinic for us to be inoculated against COVID-19 disease,” pahayag ni Fr. Reyes.

Ayon kay Fernando, opisyal na sisimulan ang  mobile vaccination clinic ngayong Lunes (June 28) kung saan ibabab ito at ipapadala sa mga remote barangays once-a-week para sa mga Bulakenyo partikular na sa mga nakatira sa rural and semi-isolated areas ng lalawigan.

“Para mas mabilis at maging more effective ang vaccination roll out ng provincial health office bukod sa isinasagawa ng local government unit ay inilatag natin ito ang mobile vaccine clinic. We need to reach the 70% of our population to be vaccinated before the end of the year to reach herd immunity as per directive of President Rodrigo Roa Duterte,” Fernando said.

Ang provincial government ayon sa gobernador ay nais na masiguro na ang bawat Bulakenyo na gusto magpabakuna ay magkaroon ng pagkakataon makatanggap nito lalo na ang mga nasa remote area at rural communities.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews