Bumaba ng 10.96% ang crime against women and children sa Central Luzon mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Ito ang iniulat ni Central Luzon Police Regional Director, Police Brig. Gen. Matthew Baccay kung saan naitala ang 736 incidents kumpara noong nakaraang taon ng kaparehong period ay 867 naman ang naitalang kaso ng mga krimen na ang mga naging biktima ay pawing kababaihan at mga bata.
Ayon pa kay Brig.Gen. Baccay ang makabuluhang pagbaba ng mga krimen laban sa kababaihan at mga bata ay maaaring maiugnay sa pag-level up aniya ng kapulisan ng rehiyon na mga hakbang laban sa kriminalidad na gumagamit ng social media bilang isa sa mga platforms pati na rin ang mga pagsisikap nila na mapabuti ang community relation efforts
Dagdag pa ng opisyal, magpapatuloy pa rin ang pinaigting na pagsasagawa ng mga operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad maging ang iligal na droga at hindi aniya sila susuko sa labang ito upang makamit ang layunin ng gobyerno na makamit ang drug-free Philippines at magkaroon ng mas ligtas na tirahan at trabaho.