Dagdag water irrigation supply para sa magsasaka hirit ni Fernando

Pinakiusapan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pamunuan ng   National Water Resources Board (NWRB) at National Irrigation Administration (NIA) na dagdagan ang supply ng tubig para sa mga irigasyon partikular na sa mga sakahan sa lalawigan ng Bulacan.

Nitong Biyernes ay pinulong ni Fernando ang may 200 magsasaka mula sa South Zone Service Area kasama ang mga presidente mula sa ibat-ibang bayan kung saan nagkaroon ng dayalogo hinggil sa kinahaharap na problema ng mga Bulakenyong magsasaka sa supply ng tubig sa kanilang sakahan. 

Ang hirit ni Fernando ay base sa lumalalang sitwasyon sa irigasyon ng mga magsasakang Bulakenyo kung saan hindi nabibigyan ng sapat na supply ng tubig ang mga magsasaka dahil limitado lamang. 

Kasamang nakipag-dialogue kay Fernando sina Nia Central Luzon regional director Josephine Salazar at any 200 representanteng magsasaka mula sa South zone area na mayroong kabuuang 13,347 magsasaka na ginanap sa Official Residence NG gobernador. 

Ayon sa gobernador, dapat ay makinabang ang lahat ng supply ng tubig mula sa Angat Dam hindi ang iilan lamang.

Nabatid na mula sa sa 10 cubic meters per second na pakawala ng tubig para sa mga irigasyon ay dinagdagan pa ito ng NIA at ginawang 15 cms subalit humirit si Fernando ng additional pa kaya naman dinagdagan pa ito hanggang 20 cms.

Sa kabila nito, humirit pa si Fernando na kung maaari ay gawin pang 30 cms ang ipagkaloob sa mga irigasyon upang ganap nang makapagtanim ng maayos ang mga magsasaka.

Kinumpirma no Fernando na tumaas ngayon ang water elevation ng Angat Dam. 

Nabatid na nakiusap si Fernando kay Sevillo David Jr., NWRB executive director at kay Salazar Para sa kapakanan NG mga Bulakenyong magsasaka. 

Umaasa rin si Fernando na mula sa ipinagkaloob na 20 cms at madadagdagan pa ito hanggang 30cms depende sa magiging kalagayan ng Angat Dam sa mga susunod na mga araw. 

Napagalaman na sa kasalukyang 10cms  irrigation allocation ay ang north zone service areas lamang ang nabibigyan kabilang na ang mga bayan ng Baliwag, Calumpit, Pulilan, San Ildefonso at San Rafael habang San Simon, Apalit, Candaba at San Luis naman sa Pampanga.

Ang bahagi naman ng South zone service areas ng Nia ay ang mga bayan naman ng Hagonoy, Balagtas, Bocaue, Bustos, Bulakan, Plaridel, Calumpit, Angat, Guiguinto, Pandi, Paombong at City of Malolos na walang irrigation water allocation mula sa Angat Dam.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews