Dalawang dating rebelde sa Zambales nakatanggap ng tulong pinansyal

IBA, Zambales — Nakatanggap ng tulong pinansyal ang dalawang dating rebelde sa Zambales sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Provincial Director Armi Bactad, agarang tulong na nagkakahalaga ng 15,000 piso ang ipinagkaloob sa dating miyembro ng Militia ng Bayan samantalang 65,000 piso bilang agaran at pangkabuhayang tulong ang ipinagkaloob sa dating kasapi ng New People’s Army.

Maliban dito, kapwa nakatanggap ang dalawang nagbalik-loob ng gift packs mula kay Governor Hermogenes Ebdane Jr.

Sa kanyang mensahe, hinangaan ni Ebdane ang dalawang dating rebelde sa kanilang pagsuko. 

Napapanahon na aniya para magising ang lahat at magkaroon ng pinagsama-samang pamamaraan upang malutas ang problema ng insurhensya.

May 27 dating rebelde sa probinsya ang natulungan na sa ilalim ng E-CLIP.  — Reia G. Pabelonia

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews