Tadtad ng tama ng bala sa buong katawan ang sinapit ni Retired Sr. Supt. Fernando Villanueva bago ito nalagutan ng hininga sa kamay ng mga armadong riding in tandem habang binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway sa bounddary ng Barangay Iba O Este at Barangay Bagbag sa Clumpit, Bulacan Miyerkules ng hapon.
Ang biktima ay tao ni Governor Daniel Fernando at kasalukuyang head department ng Civil Security and Jail Management Office (CSJMO) ng Bulacan Provincial Government.
Si Villanueva, 61 ay pinagbabaril habang nakaupo sa passenger seat ng kaniyang red plate government vehicle service na Mitsubishi Estrada kulay itim ng mga ramadong suspek sakay ng motorsiklo.
Base sa imbestigasyon mula sa nakasaksi, bagamat sugatan ay nagawa pang makababa ng kaniyang sasakyan ang biktima at tumakbo papalayo subalit sinundan ito ng mga suspek.
Pagdating sa tulay ng Iba o Este-Bagbag Bridge dito na inabutan ang sugatang biktima at paulit-ulit pang pinaputukan at nang matiyak na wala nang buhay ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Galing umano sa opisina sa kapitolyo si Villanueva at papauwi na sa kaniyang home town sa Pampanga nang maganap ang pamamaslang.
Agad namang ipinag-utos ni Gob. Fernando kay Bulacan Police director Col. Lawrence Cajipe ang masusing imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek na hinihanalang mga professional hired killers.
Naging makulay ang serbisyo ni Villanueva bilang isang magiting at matapang na pulis sa lalawigan ng Bulacan kung saan ilang beses na rin itong nakaligtas sa mga engkuwentro partikular na laban sa mga rebelde o New Peoples Army taong 1987 hanggang 1995.
Naitalaga siyang regional director ng PNP-HPG sa Region 3 taong 2008, bago naging Bulacan Police director noong 2010. Matapos magretiro ay dito na siya naging pinuno ng Civil Security and Jail Management Office (PCSJMO) ng Bulacan Provincial Government.
Itinalaga rin siyang Bulacan Provincial Jail Warden habang head ng PCSJMO nitong nakaraang taon subalit pinalitan siya agad ni Ret. Col. Marcos Rivero bilang jail warden at nanatili bilang PCSJMO head.
Ang pagpaslang kay Villanueva ay nataon namang pagbisita ng bagong talagang Police Regional Office 3 (PRO3) regional director BGen. Val De Leon sa Camp Alejo Santos ilang oras bago pinaslang ang biktima.
Tila ginawang pasalubong o “welcome gift” ng mga well organized crime syndicate partikular na ng mga hired killers kay BGen De Leon ang pagpaslang kay Villanueva kaugnay ng pagbisita nito sa lalawigan ng Bulacan.