DBFI namahagi ng ayuda sa mga biktima ng baha 

Mula sa temang “Kalingang DBFI”, inisyal na nakatanggap ng relief assistance ang nasa 300 pamilyang Bulakenyo sa bayan ng Calumpit na biktima ng malawakang pagbaha dulot ng nagdaang Typhoon Egay at Falcon sa ginanap na relief distribution ngayong Sabado.

Ang mga neneficiaries ay mga residente ng Barangay Corazon na nakatanggap ng ayuda mula sa Dangal ng Bulacan Foundation Inc. (DBFI) sa pangunguna nina Gregoria Simbulan, Chairman; Gladys Sta. Rita, President; Cristina Tuzon, Vice President; Carina Lao, Corp. Secretary; Board of Trustees Lulu Santiago at Atty. Pacifico Eusebio Jr.

Kasunod naman ang 300 ding pamilya sa Barangay San Jose sa bayan ng Paombong sa darating na Lunes (Agosto 14) na tatanggap din ang bawat pamilya ng 4 kilos ng bigas, tsinelas, hygiene kit, kumot at bisquits.

Ayon kay Simbulan, pangunahing nakatanggap ng ayuda ay ang mga idineklara ng barangay bilang mga indigent na lubhang naapektuhan ng pagbaha dala ng Habagat at Bagyong Egay at Falcon kamakailan.

Nabatid na ang barangay ng Corazon ay isa lamang sa 29 na barangay sa bayan ng Calumpit na siyang pinaka-apektadong lugar ng pagbaha mula 3 hanggang 6 na talampakan ng tubig-baha na hanggang sa ngayon ay mayroong ilang bahagi na lubog pa rin sa baha.

“Our aim is to give back what the Lord has given to us. It’s not only for giving aid in times of calamities like this but also we conducted several activities such as medical mission and “Usapang Dangal” program,” Simbulan said.

Nabatid na si former Chairman Hermie Esguerra ang major benefactor at nag-ambag din ang mga opisyales at miyembro para makalikom ng pondo para sa naturang relief operation.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente rito sa pangunguna ni Barangay Captain Renato Torre Jr. sa Dangal ng Lipi Foundation sa isinagawang relief distribution.

Ang inisyatibong relief distribution ay bahagi rin ng selebrasyon ng 20th founding anniversary ng DBFI na itinatag noong 2003 na mayroong halos 100 miyembro na tumanggap ng mga parangal taon-taon bilang “Dangal ng Lipi Award” mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews