Defense Economic Zone at Parent Development Bills ni Bataan Rep. Garcia, aprubado

BALANGA CITY – Pasado na sa Committee on Appropriations ang dalawang mga ipinanukalang batas ni Bataan 2nd District Rep. Jose Enrique “Joet” S. Garcia.

Ito ay ang Special Defense Economic Zone Act (SpeDEZA) at Parent Effectiveness Development Service (PEDS). 

Ayon Kay Congressman Garcia, isinulong niya ang SpeDEZA upang maitatag ang defense industry sa Government Arsenal, Limay na magsusulong sa modernization ng armed forces at makapagbibigay ng libu-libong trabaho para sa kanyang mga kababayang Bataeño.

Samantala, ang PEDS ay susi sa aniya’y adbokasiya niya na mapalakas ang pamilyang Pilipino at matulungan ang mga magulang sa pangangasiwa at tamang pagpapalaki ng mga anak. 

“Ito ay nasubukan na natin sa Educhild parenting program na ating sinimulan noong 2009 at nakatulong sa higit 24,000 magulang,” banggit pa ni Rep. Garcia.

Matapos sa Komite, dagdag pa ni Garcia, naasahan na ang dalawang panukalang batas ay maaprubahan na sa pangalawa at pangatlong pagbasa sa plenaryo. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews