LUNGSOD NG MABALACAT — Tiniyak ng Department of Education o DepEd Mabalacat City Schools Division Office o SDO ang kahandaan nito sa pagbubukas ng klase sa Oktubre.
Ayon kay Schools Division Superintendent Edgard Domingo, nagtutulungan ang lahat upang matiyak na magpapatuloy ang edukasyon para sa mga mag-aaral na Mabalaqueno sa kabila ng mga hamon ng pandemya.
Aniya, lahat ng kanilang mga pasilidad ay patuloy na nililinis at dinidisinfect hanggang sa pagbubukas ng klase upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Batay sa ulat ng Mabalacat City SDO, kasalukuyang nasa 93 porsyento ng mga mag-aaral ang nakapagpatala na sa lungsod, kabilang ang 3,030 sa Kindergarten; 22,839 sa elementarya; 16,993 sa junior high school; at 2,162 sa senior high school.
Dagdag pa ni Domingo, gagamitin ng dibisyon ang kombinasyon ng modular at online modalities para sa darating na pasukan.
Batay sa resulta ng survey, karamihan sa mga magulang at mag-aaral sa lungsod ay gustong gamitin ang modules para sa kanilang pag-aaral habang pumapangalawa naman ang online learning.
Bilang paghahanda, limang istasyon ang itinalaga ng SDO upang sabayang mai-print ang mga modules ng mga mag-aaral at matiyak na maipamamahagi ang mga ito sa pagbubukas ng klase, kabilang ang Atlu Bola High School, Camachiles National High School, Donya Asuncion Lee Integrated School, Mabalacat Technical Vocational High School, at Mawaque Resettlement School.
Sinabi din ng opisyal ng DepEd na nakumpleto na ng mga guro ang kanilang dry run para sa modular instruction.
Aniya, apat na paaralan ang pinili nila para sa pagsasagawa ng mga dry run activities kabilang ang Mawaque Resettlement High School kung saan nagsagawa ng simulation sa modular learning para sa mga bingi at kumukuha ng mga epseyal na klase sa agham.
Bukod dito, nagsagawa rin ng simulation ang Camachiles National High School sa Matematika gamit ang modular at online learning; habang ang Mabalacat Elementary School ay nagsagawa ng dry run sa Araling Panlipunan gamit ang mga modules.
Sa Monicayo Elementray School naman, nagsagawa ng dry run sa distance learning gamit ang mga printed modules para sa mga katutubong mag-aaral.
Bukod sa mga mag-aaral, nagkaroon din ng iba’t-ibang mga pagsasanay ang mga guro sa pamamagitan ng mga webinars.
Samantala, ipinahayag naman ng pamahalaang panlungsod ang suporta nito sa SDO sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagpaparami ng mga modules at pagbili ng mga risograph machines.
Nangako naman ang mga opisyal ng barangay na tutulong sa paghahatid ng mga gagamiting modules sa mga mag-aaral. (