Dinalupihan Dialysis Center operational na sa 2023

Sa taong 2023 ay magkakaroon na ng sariling Dialysis Center ang Bayan ng Dinalupihan, Bataan.

Ito ang good news ni Dinalupihan Mayor German “Tong’ Santos Jr. sa ginanap na news briefing sa kanyang tanggapan nitong Mierkoles ng umaga.  

Ayon kay Mayor Santos, ito ay matatagpuan sa dating Dinalupihan Quarantine Area o ang nagsilbing Covid-19 Isolation Center sa likod ng Bulwagan ng Bayan na itinayo noong 2020 sa panunungkulan ni dating Mayor at ngayon ay Bataan 3rd District Rep. Gila Garcia.

Initially ayon pa kay Mayor Tong ay 15 dialysis machines ang gagamitin sa naturang dialysis center at kayang magsilbi ng apat na pasyente bawat machine kada araw o may katumbas na 60 dialysis patients per day.

Katuwang ng LGU-Dinalupihan sa naturang proyekto ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kung saan ang magiging mga pasyente rito ay walang babayaran bukod pa sa dalawang bagong service vans na gagamitin ng LGU sa pagsundo at paghatid sa mga pasyente. Ang mga kalabit bayan kagaya ng Hermosa at Orani ay maaari ring mag-avail ng serbisyo nito. 

“Kauna-unahan po sa ating Dinalupihan Dialysis Center na pwedeng sumama ang bantay sa pasyente na mag dialysis dahil hindi po itong cubicles lang kundi kanya-kaniyang kwarto sila,” pahayag ni Mayor Santos sa Bataan Media. 

Ang naturang proyekto ay magiging income generating project para sa LGU Dinalupihan kung saan maaaring kumita ang pamahalaang bayan ng karagdagang P1 milyon kita kada buwan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews