
Nagtipon-tipon ang nasa 60 mwdia practitioners para sa 3-day media conference na inilunsad ng Department of Health (DOH) sa Pan Resort sa Abucay, Bataan mula Abril 2 hanggang 4, 2025.
Ang mga media practitioners ay nagbuhat sa iba’t ibang media outfits mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon na lumahok sa nasabing media conference na may temang “Engaging Media for Health Literacy”.
Ang aktibidad ay sa pangunguna ng DOH Central Luzon Center for Health Development sa pamamagitan ng Mariveles Mental Wellness and General Hospital, na ang layunin ay palakasin ang health literacy, kung saan sa pamamagitan ng mga media partner nito ay magbigay ng mga update at talakayin ang mga pangunahing paksa ukol sa mga health issues na hindi umaabot kadalasan sa kaalaman ng mga Filipino.
Ang mga paksang tinalakay sa loob ng 3-araw na kumperensya ay kinabibilangan ng immunization, rabies, at kamalayan sa kanser.
Pinalalakas ng DOH ang pakikipagtulungan sa mga media practitioner sa pagtataguyod ng health literacy at kamalayan ng komunidad sa pamamagitan ng media platforms na magkaroon ng immunized, kamalayan sa kahalagahan ng pagbabakuna para sa mga alagang hayop at kaalaman sa pag-iwas at paggamot sa cancer.
Dumalo sa aktibidad sina Ma. Arlene Arbas, Division Chief ng Department of Health (DOH) Media and External Relations Division of Health Promotion Bureau; Si Dr. Carmina Vera, Medical Officer IV ng Disease Prevention and Control Bureau (DPCB) na nagbigay ng paksa tungkol sa “Immunization: Human Papilloma Virus Vaccine Expansion”; at Dr. Anelyn Reyes, Board Member, Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines para sa kanyang paksang “Vaccine Hesitancy.
Ang susunod na araw na tagapagsalita ay si Dr. Madonna Añabieza, Immunization Officer ng UNICEF na naghahatid ng paksang “Immunization: Addressing Misconceptions on Vaccines”; Dr. Jem Mariel Langas sa kanyang paksang “Basic Information on Rabies as a Disease/Proper and Immediate Management of Animal Bite”; habang si Dr. Marie Shella Ordinario ay nagbigay ng kanyang paksa tungkol sa “Rabies: Animal Rabies at Responsible Pet Ownership”.
Samantala, ipinaliwanag ni Dr. Clarito Cairo Jr. ang papel ng Philippine Cancer Center sa pagbabawas ng pasanin ng Colorectal Cancer sa mga Pilipino.
“Mahalaga ang ganitong aktibidad kasama ang mga media partners tungo sa mga media platform ay matulungan ang gobyerno na iparating ang mga mahahalagang isyu sa kalusugan para madagdagan pa ang kaalaman ng komunidad,” DOH said.