Pormal nang binuksan sa publiko ng Department of Health (DOH) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang kauna-unahang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) facility sa bansa sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga nitong Miyerkules, March 6, 2024.
Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro J. Herbosa na ginanap sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH) Ambulatory Surgical and Multi-Specialty Center (JASMC).
Kasama ni Herbosa sa nasabing okasyon sina Undersecretary Maria Rosario Vergeire, DOH Central Luzon Center for Health Development (CLCHD) Regional Director Corazon Flores, at JBLMGH Medical Center Chief Monserrat S. Chichioco na kung saan ay minarkahan ang isang makabuluhang hakbang patungo sa tiyak na access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.
Dumalo rin dito sina 4th District of Pampanga Rep. Anna York Bondoc-Sagum, Pampanga Governor Dennis Pineda, Vice Gov. Lilia “Nanay” Pineda, at Sto. Tomas Mayor Johnny Sambo.
Ang BUCAS center sa JBLMGH Ambulatory Surgical and Multispecialty Center ay nasa one-story facility na may luwang na 5,000 square meters.
Inaasahang matutugunan nito ang mga pangangailangang medikal at surgical na pangangalaga sa ambulatory ng mga Pilipino mula sa Gitnang Luzon, na nagbibigay ng pinakamahusay para sa pinakamahihirap sa Pampanga at mga kalapit na munisipalidad nito bilang mga catchment area.
Ang BUCAS center sa JASMC ay handang mag-alok ng mga serbisyo sa pag-opera sa general surgery, oral-maxillofacial surgery, otorhinolaryngologic surgery, at reproductive health.
Ayon kay Dr. Chichioco, Medical Center Chief Il of JBLMGH ito ay mayroong said laboratories with comprehensive diagnostic capabilities.
“The DOH was inspired by the concept of the LAB For All project, headed by First Lady Atty.Marie Louise “Liza” Araneta Marcos. We want to institutionalize the LAB for all concept through BUCAS centers, to bring the best to the poorest in terms of urgent care and ambulatory services. As we unveil this pioneering BUCAS center less than three months from conceptualization, we focus on our goal of establishing 28 primary care centers to serve the 28 million poorest Filipinos by the year 2028. Tandaan – sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!” wika ni Secretary Herbosa.
Ang BUCAS center ay kayang tumanggap ng 150-200 pasyente sa araw-araw 24 oras.