Sugatan ang driver ng isang 18-wheeler trailer truck makaraang tumaob ito sa bahagi ng Bypass Road, Barangay Baseco, Mariveles, Bataan, pasado alas dose ng tanghali nitong Huwebes.
Sa ulat mula sa Mariveles PNP, kinilala ang sugatang driver na si Joel Sinca, native ng Bulacan.
Sa imbestigasyon ng PNP, nawalan umano ng preno at nagkaroon ng engine trouble ang truck na minamaneho ng biktima lulan ang isang kilalang brand ng fertilizer na may bigat na dalawang tonelada, saka umatras hanggang tumaob at humambalang sa naturang kalsada.
Isinugod ang biktima sa Bataan General Hospital habang hindi naman nasaktan ang kanyang pahinante na si Sander Alcantara, 46 anyos.