DSWD, naibigay na ang Emergency Subsidy ng 208,196 pamilya

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) — May 208,196 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act. 

Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.

As of April 21, may 1,353,274,000 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan.

Sa Aurora, 2,856 pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Dilasag (522 pamilya), San Luis (893 pamilya), Baler (771 pamilya), Maria Aurora (379 pamilya) at Casiguran (291 pamilya).

Sa Bataan, 837 pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula sa Pilar (372 pamilya) at Hermosa (465 pamilya).

Sa Bulacan, 77,702 pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Pandi (7,202 pamilya), Paombong (1,367 pamilya), Baliuag (12,433 pamilya), Doña Remedios Trinidad (585 pamilya), lungsod ng Malolos (4,595 pamilya), San Miguel (11,707 pamilya), San Rafael (5,320 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (6,635 pamilya), Angat (2,850 pamilya), Bustos (1,834 pamilya), Bulakan (2,834 pamilya), San Ildefonso (370 pamilya), Guiguinto (1,329 pamilya), lungsod ng Meycauayan (135 pamilya), Plaridel (4,328 pamilya), Bocaue (1,677 pamilya), Sta. Maria (4,225 pamilya), Pulilan (2,793 pamilya), Balagtas (2,753 pamilya), Calumpit (1,644 pamilya) at Norzagaray (1,086 pamilya).

Sa Nueva Ecija, 89,110 pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Licab (1,960 pamilya), Zaragoza (9,082 pamilya), Talavera (7,255 pamilya), San Antonio (5,609 pamilya), Pantabangan (1,195 pamilya), Carranglan (1,271 pamilya), lungsod Agham ng Muñoz (4,458 pamilya), lungsod ng San Jose (12,201 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (3,956 pamilya), General Natividad (7,388 pamilya), Talugtug (2,992 pamilya), Lupao (6,290 pamilya), Quezon (1,413 pamilya), Llanera (715 pamilya), Nampicuan (312 pamilya), Peñaranda (1,039 pamilya), Jaen (6,580 pamilya), General Tinio (1,867 pamilya), San Leonardo (7,329 pamilya), Cuyapo (3,763 pamilya), Cabiao (1,543 pamilya) at San Isidro (892 pamilya).

Sa Pampanga, 30,633 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng San Fernando (4,320), Candaba (3,118 pamilya), Lubao (3,365 pamilya), lungsod ng Mabalacat (1,085 pamilya), Sta. Rita (285), Bacolor (384 pamilya), Mexico (1,761 pamilya), Floridablanca (412 pamilya), San Simon (1,232 pamilya), Porac (336 pamilya), Minalin (4,853 pamilya), Sta. Ana (457 pamilya), San Luis (1,764 pamilya), Arayat (3,031 pamilya), Masantol (115 pamilya), at Guagua (4,115 pamilya).

Sa Tarlac, 5,637 pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Ramos (252 pamilya), Pura (705 pamilya), Mayantoc (241 pamilya), Capas (1,458 pamilya), Moncada (1,891 pamilya), San Manuel (568 pamilya), at Concepcion (522 pamilya).

At panghuli sa Zambales, 1,421 mula sa lungsod ng Olongapo ang tumanggap ng ESP.

Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.

Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture. 

Inaasahang makukumpleto ang pamamamahagi ng ESP sa 1.8 milyong mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ngayong ika-30 ng Abril. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews