DSWD, naibigay na ang Emergency Subsidy ng 856,790 pamilya

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — May 856,790 mahihirap na pamilya sa Gitnang Luzon ang tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng Emergency Subsidy Program o ESP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang naturang financial assistance ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP ng pambansang pamahalaan alinsunod sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act. 

Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, nagkakahalaga ang ayuda ng 6,500 piso para sa bawat mahirap na pamilya. Ito ay binatay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.

As of April 30, may 5,569,135,000 piso na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa pitong lalawigan.

Sa Aurora, 30,092 pamilya ang nakatanggap ng ayuda. Sila ay mula sa mga bayan ng Dingalan (5,013 pamilya), Dilasag (2,213 pamilya), San Luis (3,696 pamilya), Baler (4,957 pamilya), Maria Aurora (4,462 pamilya), Casiguran (3,568 pamilya), Dinalungan (1,864 pamilya) at Dipaculao (4,319).

Sa Bataan, 20,087 pamilya na ang napagkalooban. Sila ay mula sa Pilar (2,437 pamilya), Bagac (532 pamilya), Dinalupihan (507 pamilya), Hermosa (3,280 pamilya), lungsod ng Balanga (1,486 pamilya), Limay (650 pamilya), Orion (1,699 pamilya), Abucay (875 pamilya), Samal (161 pamilya), Morong (146 pamilya), Mariveles (1,872 pamilya), at Orani (6,442 pamilya).

Sa Bulacan, 275,425 pamilya na ang nabenepisyuhan. Sila ay mula sa Pandi (8,857 pamilya), Paombong (5,360 pamilya), Baliuag (18,431 pamilya), Doña Remedios Trinidad (1,300 pamilya), lungsod ng Malolos (27,898 pamilya), San Miguel (17,000 pamilya), San Rafael (9,780 pamilya), lungsod ng San Jose del Monte (23,170 pamilya), Marilao (14,442 pamilya), Angat (6,973 pamilya), Bustos (6,840 pamilya), Bulakan (8,980 pamilya), San Ildefonso (5,498 pamilya), Guiguinto (8,981 pamilya), lungsod ng Meycauayan (4,556 pamilya), Hagonoy (14,693 pamilya), Plaridel (12,818 pamilya), Bocaue (9,217 pamilya), Sta. Maria (22,516 pamilya), Pulilan (11,900 pamilya), Balagtas (8,800 pamilya), Calumpit (11,956 pamilya), Norzagaray (9,720 pamilya), at Obando (5,739 pamilya).

Sa Nueva Ecija, 247,140 pamilya na ang nabahagian. Sila ay mula sa Licab (3,829 pamilya), Zaragoza (8,900 pamilya), Talavera (13,695 pamilya), San Antonio (14,097 pamilya), Pantabangan (3,315 pamilya), Carranglan (3,112 pamilya), Laur (2,487 pamilya), lungsod ng Gapan (7,245 pamilya), lungsod Agham ng Muñoz (11,179 pamilya), lungsod ng San Jose (22,508 pamilya), lungsod ng Cabanatuan (18,154 pamilya), Gabaldon (3,697 pamilya), General Natividad (7,410 pamilya), Talugtug (3,739 pamilya), Bongabon (5,259 pamilya), Lupao (7,274 pamilya), Quezon (2,730 pamilya), Llanera (4,229 pamilya), Nampicuan (949 pamilya), Peñaranda (5,935 pamilya), Jaen (11,977 pamilya), Rizal (3,764 pamilya), lungsod ng Palayan (6,007 pamilya), Guimba (4,190 pamilya), General Tinio (8,457 pamilya), San Leonardo (12,629 pamilya), Cuyapo (10,195 pamilya), Cabiao (11,179 pamilya), Santo Domingo (8,771 pamilya), San Isidro (7,923 pamilya), Sta. Rosa (8,833 pamilya) at Aliaga (3,472 pamilya).

Sa Pampanga, 135,167 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang subsidiya. Sila ay mula sa lungsod ng San Fernando (10,170 pamilya), Candaba (8,817 pamilya), Sto. Tomas (836 pamilya), Lubao (14,724 pamilya), lungsod ng Mabalacat (5,166 pamilya), Sta. Rita (4,448 pamilya), Bacolor (3,129 pamilya), Mexico (9,457 pamilya), Floridablanca (2,561 pamilya), San Simon (5,012 pamilya), Macabebe (6,994 pamilya), Apalit (3,820 pamilya), Porac (6,554 pamilya), Minalin (4,853 pamilya), Sta. Ana (5,535 pamilya), San Luis (4,975 pamilya), Arayat (11,961 pamilya), Masantol (3,038 pamilya), Guagua (13,024 pamilya), Sasmuan (2,500 pamilya), lungsod ng Angeles (2,330 pamilya), at Magalang (5,263 pamilya).

Sa Tarlac, 116,895 pamilya na ang nakakuha na ng naturang tulong. Sila ay mula sa Ramos (2,848 pamilya), San Clemente (1,243 pamilya), San Jose (3,524 pamilya), Pura (1,849 pamilya), Anao (1,382 pamilya), Mayantoc (3,881 pamilya), lungsod ng Tarlac (42,339 pamilya), Capas (11,001 pamilya), Gerona (3,235 pamilya), Bamban (6,382 pamilya), Moncada (8,060 pamilya), San Manuel (3,474 pamilya), Camiling (3,781 pamilya), La Paz (4,343 pamilya), Victoria (2,111 pamilya), Concepcion (541 pamilya), Paniqui (14,178 pamilya), at Sta. Ignacia (2,723 pamilya).

At panghuli sa Zambales, may 31,984 pamilya na ang naambunan ng ESP. Sila ay mula sa San Marcelino (646 pamilya), San Narciso (431 pamilya), Cabangan (535 pamilya), San Antonio (1,002 pamilya), Masinloc (3,871 pamilya), Subic (2,658 pamilya), Botolan (565 pamilya), Sta. Cruz (926 pamilya), Castillejos (5,846 pamilya), lungsod ng Olongapo (12,210 pamilya), Candelaria (610 pamilya), Iba (291 pamilya), San Felipe (1,059 pamilya) at Palauig (1,334 pamilya).

Paliwanag ni Maristela, ang mga pamilyang nakatanggap ng ESP ay kabilang sa impormal na sektor na walang pinagkakakitaan dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Sila rin ay may miyembrong kabilang sa alin mang bulnerableng sektor- senior citizens, persons with disability, buntis, solo parents, katutubo, homeless citizens, distress at repatriated Overseas Filipino Workers, magsasaka, mangingisda, self-employed, informal settlers at yung mga informal workers gaya ng drivers, kasambahay, construction workers, labandera at manikurista.

Batay sa datos ng DSWD, nasa 56.52 porsyento na ng kabuuang target na 1,515,847 pamilyang hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Gitnang Luzon ang nabahagian ng ayuda sa ilalim ng ESP. Ito ay mas mataas sa national rate na humigit kumulang 45%.

Kaya naman napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na palawigin mula sa itinakdang deadline na April 30 ang pamamahagi ng ayuda mula sa ESP sa buong bansa. Ang lalawigan ng Bulacan ay may pitong karagdagang araw o hanggang Mayo 7 habang ang ibang lalawigan ay may apat na karagdagang araw o hanggang Mayo 4.

Inanunsyo din na magkakaroon ng second wave ng ayuda sa ilalim ng ESP o panibagong 6,500 piso kada pamilya ngayong Mayo. Pero paglilinaw ng DSWD, ang parehong kwalipikadong benepisyaryo din ang mababahagian at hindi ito panibagong batch.

Bukod sa DSWD, may ayuda din sa ilalim ng SAP ang ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews