DTI Bataan, Samal Mayor namahagi ng livelihood kits sa Samal

Nasa 16 MSMEs (micro, small and medium-sized enterprises) sa Barangay Ibaba at Tabing-Ilog sa bayan ng Samal ang nabiyayaan ng programang Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) ng Department of Trade and Industry (DTI-Bataan) nitong Martes.

Pinangunahan ni DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug at Samal Mayor Aida D. Macalinao ang pamamahagi ng livelihood kits sa 16 na maliliit na negosyante. Bawat kit ay nagkakahalaga ng P5,000.

Ayon kay PD Cabahug, layon ng naturang programa na matulungan ang mga negosyante lalo na sa panahon ng krisis bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ang NSB ay inilunsad para tulungan ang mga MSMEs sa mga barangay ng mga 4th, 5th, at 6th income classification municipalities sa buong bansa.

Target nito na makalikha ng 500,000 trabaho hanggang sa taong 2022.
Bilang karagdagang tulong ay nagbigay naman si Mayor Macalinao ng P3,000 sa bawat negosyanteng benepisyaryo nito.

Bukod sa bayan ng Samal ay inaasahang makikinabang din dito ang may 128 benepisyaryo mula sa 16 na barangay sa Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews