LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinatutupad na ng kapulisan ang gun ban na hudyat nang pagsisimula ng election period.
Sa isinagawang Unity Walk-Interfaith Prayer Rally-Peace Covenant Signing para sa Secure And Fair Election 2019 sa lungsod ng Malolos, sinabi ni Police Regional Director PCSupt. Joel Napoleon Coronelna sa unang anim na oras pa lamang mula nang simulan ang gun ban ay limang baril na ang nakumpiska, apat ang naaresto at dalawa ang napatay.
Sa apat na naaresto, tatlo ang sa lungsod ng Angeles at isa ang sa bayan ng Marilao sa Bulacan.
Paliwanag ni Coronel na ang dalawang napatay ay sa lungsod ng San Jose Del Monte matapos nilang lagpasan ang itinakdang check point at nang habulin ay nanlaban pa.
Samantala, sinabi ni Commission on Elections Regional Director Temie Lambinona ang naturang Unity Walk-Interfaith Prayer Rally-Peace Covenant Signingay simbulo na seryoso ang mga ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang batas upang matiyak na mapayapa ang paparating na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 13.
Kabilang sa mga lumagda ng Peace Covenant ang mga kandidato sa mga lokal na posisiyon sa Bulacan, kinatawan ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, at mga lider ng mga religious groups at civil society organizations.