Emergency quarantine facility itinayo ng Philippine Navy sa Taguig City

Dahil na sa rin sa dumaraming bilang ng Person under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) dahil sa COVID-19, nagtayo ang Philippine Navy ng Emergency Quarantine Facilities (EQF) sa kanilang Naval Station sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, ginawa ang EQF sa training center ng Naval Combat Engineering Brigade sa Taguig.






Prayoridad ng itinayong EQF ay ang mga sailors at marines na nagmamando sa mga ibat ibang quarantine Assistance Stations sa National Capital region.

Ayon pa sa opisyal, kinakailangan kasing sumailalim sila sa quarantine kung nakakaranas ng sintomas ng COVID 19.

Dagdag pa ni Roxas, kung kinakailangan naman  magtatayo rin ang Philippine Navy ng EQF para magamit ng mga sibilyang PUM at PUI.

Aniya, maging ang ibat ibang military facilities ay inatasan na rin magtayo ng mga karagdagang mga Emergency Quarantine Facilities.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews