MARIVELES, Bataan – Nagsagawa ng ikalawang expanded testing sa Freeport Area of Bataan (FAB) sa pangunguna ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) katuwang ang iba’t-ibang health offices nitong Agosto 31, 2020.
Araw ng mga Bayani nang gawin ang aktibidad sa pangunguna ng mahigit 10 swabbers mula sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), Department of Health (DOH), Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC), at Mariveles Mental Wellness and General Hospital (MMWGH).
Habang isinasagawa ang swabbing ay nagsagawa din ng direktang case investigation ang DOH para sa mahigpit na contact tracing.
Sinigurado din ng mga guwardiya ng AFAB ang maayos na daloy ng naturang gawain sa pamamagitan ng pagbabantay sa paligid at paggabay sa mga sumailalim sa swabbing. Kaugnay nito, nagsagawa din ng disinfection ang AFAB Public Safety and Security Department (AFAB-PSSD) matapos ang nasabing testing.
Inaasahang lalabas ang resulta ng expanded testing sa lalong madaling panahon na siyang tutukoy sa mga dapat i-isolate at gamutin upang tuluyan nang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa Freeport at kalapit na mga komunidad nito.
As of September 1 ay nangunguna ang bayan ng Mariveles sa may pinakaraming kaso ng Covid-19 sa Bataan. Sa 353 active cases ng Bataan, 158 dito ay pawang mga taga Mariveles