Expansion Project ng Subic Freeport Expressway, sinimulan na

SUBIC BAY FREEPORT ZONE — Sinimulan na ang Capacity Expansion Project ng Subic Freeport Expressway o SFEX matapos isagawa ang isang groundbreaking ceremony.

Ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista, layunin ng proyekto na magdadala ng maginhawang byahe sa naturang expressway na nagkokonekta sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales. Ito rin ay magpapabilis ng kaunlaran at magpapalakas sa trade at tourism industries ng Subic Bay Freeport Zone.

Ang 1.57 bilyong pisong proyekto na may habang 8.2 kilometro ay binubuo ng konstruksyon ng karadagang dalawang linya expressway lanes, dalawang bagong tulay at isang tunnel na magreresulta ng mas mataas na road capacity.

Ang bagong tulay sa Jadjad at Argonaut na itatayo ay kahilera ng kasalukuyang tulay gayundin ang hugis horse shoe tunnel na idinesenyo upang magbigay sa katatagan ng istraktura laban sa earth pressure.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews