Face-to-face classes sa Hermosa Elementary School, sinimulan na

Pinangunahan ni Mayor Jopet Inton nitong Lunes ang opening ceremony ng pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyante sa Hermosa Elementary School, Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, kamakailan ay nagkaroon ng regional survey at inirekomenda ng DepEd superintendent sa Region III ang pagsasagawa ng limited face-to face classes sa Hermosa Elementary School.

Dagdag pa ng Alkalde, dahil pumasa ang naturang paaralan sa pamantayan ayon sa School Safety Assessment Tool (SSAT), inaprubahan ng Office of the Mayor ang pagbabalik ng face-to-face classes sa nasabing paaralan.

Tiniyak naman ni Mayor Jopet na maisasagawa at maipapatupad ang kanilang mga minimum health standards o protocols tulad ng wastong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at regular na paghuhugas ng kamay para sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at kaguruan.

“Nararapat din po na pumayag ang mga magulang ng ating mga mahal na mag-aaral para sila ay mapabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes,” pahayag pa ni Inton.

Inaasahan aniya na sa muling pagbabalik ng face-to-face classes ay maiiwasan ang mga negatibong epekto ng pagsasara ng mga paaralan at muling maibabalik ang sigla ng mga mag-aaral.

Nakasama ni Mayor Inton si Ms. Vilma Gonzales, punong-guro ng HES, mga guro, at GPTA President.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews