Fernando bigo sa panawagang term sharing sa liderato ng PCL-Bulacan

Bigo si Bulacan Governor sa kaniyang panawagan na term sharing sa liga ng mga konsehal sa nasabing lalawigan makaraang ituloy pa rin ang Bulacan-Philippine Councilors League (PCL) election of officers na ginanap nitong nakaraang Biyernes kung saan nanalo via  straight vote ang buong line-up ni Marilao Councilor William R. Villarica.

Magugunita ilang araw bago ang eleksyon ay nanawagan si Fernando sa kampo ni Villarica at sa kampo ni Baliwag Councilor Enrique “Buko” Dela Cruz na huwag na mag-eleksyon at mag-term sharing na lamang upang pareho silang manalo at makapaglilingkod.

Nanawagan din ang gobernador sa 247 konsehales mula sa 21 bayan at 3 lungsod na makiisa sa kaniyang panawagan na iwasan ang pagtanggap ng pera o pagkakaroon ng vote buying sa gaganaping eleksyon.

Pero nitong Biyernes ay itinuloy pa rin ang eleksyon dahil hindi pumayag ang panig ni Villarica at naganap ang hindi inaasahan ni Fernando ang umanoy gapangan at bilihan ng boto.

Nagkaroon ng ugong-ugong na nagkabilihan umano ng boto na nagkakahalaga ng 100,000 kada ulo.

Dahil dito, hindi maiwasang ma-dismaya  si Fernando sa naging resulta ng isinagawang eleksyon ng Bulacan-PCL pero ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa mga mali at naka-ugaliang sistema at kalakaran ng pagtatalaga ng panguluhan.

Ipinatawag ng gobernador ang mga alkalde, bise alkalde at lahat ng mga konsehales at nanawagan ito na ibasura na ang maling sistema sa pagtatalaga ng mga lider o kinatawan mula sa sektor ng PCL.

Nais ni Fernando na iwasan na at alisin nang tuluyan ang maling nakagawian na pagpapairal ng bilihan ng boto o vote buying sa tuwing gaganapin ang eleksyon partikular na sa PCL.

Ayon kay Fernando, nais lamang niya na simula sa kaniyang termino ay maalis na ang maling sistema ng bilihan ng boto sa alin mang gaganaping eleksyon ng pamunuan sa ibat-ibang sektor gaya ng kaniyang nakasanayang sistema mula nang siya ay maglingkod ay hindi siya naglabas ng pera upang mamili ng boto sa tueing siya ay tatakbo.

Sa nasabing pagtatalaga ng panguluhn ng PCL, nakakuha si Villarica ng 141 boto laban sa 106 boto ni Dela Cruz mula sa kabuuang bilang ng mga konsehales sa Bulacan na 247.

ino ay maalis na ang maling sistema ng bilihan ng boto sa alin mang gaganaping eleksyon ng pamunuan sa ibat-ibang sektor gaya ng kaniyang nakasanayang sistema mula nang siya ay maglingkod ay hindi siya naglabas ng pera upang mamili ng boto sa tueing siya ay tatakbo.

Sa nasabing pagtatalaga ng panguluhn ng PCL, nakakuha si Villarica ng 141 boto laban sa 106 boto ni Dela Cruz mula sa kabuuang bilang ng mga konsehales sa Bulacan na 247.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews