Financial Literacy Manual para sa 4Ps inilunsad sa Gitnang Luzon

LUNGSOD NG CABANATUAN — Inilunsad na sa Gitnang Luzon ang Financial Literacy Manual para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rolando Bautista, ang manual na ito ay makapagbibigay ng pinansyal na kahandaan sa mga benepisyaryo pagdating ng oras na sila ay makakapagtapos na sa programa.

Layunin nito na palakasin ang kaalaman at kapasidad ng mga benepisyaryo sa wastong pagbabadyet at pamamahala ng pera.

Hangad din nito na pagbutihin ang kasalukuyang pinansyal na estado ng mga benepisyaryo at tulungan silang makamit ang financial independence.

Ang Financial Literacy Manual ay may apat na bahagi: Understanding my Financial Well-Being, Road Map to Financial Independence, Learning to Budget and Save, at Understanding Transaction Account.

Paliwanag ni DSWD Regional Director Marites Maristela, ang mga kaakibat na modules sa nasabing manual ay ang siyang magiging gabay ng mga City/Municipal Links sa pagsasagawa ng mga Family Development Sessions sa ilalim ng paksang Financial Literacy. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews