Fireworks stores sa Bocaue sinuri ni Fernando at Acorda

Pinangunahan nina Bulacan Governor Daniel R. Fernando Chief PNP PGen Benjamin Acorda Jr., Vice Gov Alex C. Castro at Bocaue Vice Mayor Sherwin N. Tugna ang fireworks inspection sa mga tindahan ng paputok sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan nitong Biyernes, Dec. 29. 

Ang mga tindahan sa nasabing bayan ang tinaguriang capital fireworks stores sa bansa kung saan nais nila Fernando at Acorda  na matiyak na ligtas ang mga manufacturer, dealers at consumers kasabay ng pagpapaalala sa publiko na huwag tangkilikin ang mga prohibited firecrackers and pyrotechnics.

Prayoridad ni Fernando na siyang chairman ng Bulacan Pyrotechnic Regulatory Board na maging ligtas ang pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon.

Nabatid na naglabas ng derektiba ang gobernador sa ginanap na  Provincial Peace and Order Counsel meeting last week na nag-aatas sa mga local government officials kabilng na ang barangay officials sa mga bayan ng Bocaue at Sta. Maria na magsagawa ng house-to-house inspection makaraang makatanggap ng report na ang mga kabahayan ang siyang ginagawang manufacturing site ng mga ilegal na kapitalista.

“Safety must always come first that is why proper control and regulation of the use of firecrackers and pyrotechnics devices must strictly impose,” wika ni Fernando.

Naniniwala si Fernando na ang kaligtasan at kaunlaran ay kapwa matatamo kung mayroong tamang panuntunan, maayos na implementasyon at responsableng manufacturers, dealers, at users ng firecrackers and pyrotechnic devices.

Ang isinagawang inspeksyon ayon naman kay Acorda ay upang matiyak ang ligtas na paggamit ng mga fireworks sa pagsalubong ng bagong taon.

“Kailangan masiguro natin na ang lahat ay sumusunod sa itinakda ng batas sa ilalim ng RA 7183,” ani Acorda.

“The PNP, local government units, other government agencies are firmly ensure the strict implementation of these measures, we wish to have a safer and happier new year, we want to make sure that everyone follows,” dagdag nito.

Kabilng sa sumama sa inspection ay ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa pamumuno ni BGen Jose Hidalgo Jr., Bulacan Police Provincial Office (PPO) head Col. Relly Arnedo, Bocaue LGUs, Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skill Development Authority (TESDA), Bureau of Fire and Protection (BFP), Bulacan PDRRMO, Department Of Science and Technology (DOST), Bulacan PDRRMO, Philippine Pyrotechnic Manufacturer and Dealers Association Inc. (PPMDI), Bulacan Chambers and Commerce Inc.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews