Umabot na sa halos 2 milyong piraso ng nutribun at pandesal breads ang naipamigay na ng San Miguel Corporation (SMC) sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan habang mahigit sa 200,000 na pamilya mula sa mahihirap na lugar sa Maynila ang patuloy na nakakatanggap ng food aid mula sa kumpanya.
Bagamat ang pokus ng kumpanya nitong nakaraang mga buwan ay sa pagpapabakuna ng mga empleyado nito laban sa COVID-19, patuloy pa rin ang pagtulong nito sa mga mahihirap na naapektuhan ng pandemya, ayon kay SMC president Ramon S. Ang.
“While vaccinating our employees and deploying medical personnel to various public vaccination sites became our focus these past couple of months, we never left our disadvantaged countrymen who are still struggling to cope with the pandemic. Many of our employees continue to devote their time and effort to make sure San Miguel can at least help the poorest of the poor avoid hunger on a daily basis,” wika ni Ang.
Magmula Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan ay nag-distribute na ang San Miguel Mills ng 1,895,826 na piraso ng nutribun at pandesal sa iba’t ibang lugar. Kasama na dito ang kabuuang bilang na 8,000 na nutribun na pinapadala kada linggo sa Malolos, Tondo, Payatas, at Caloocan City sa pamapagitan ng Petron stations sa mga lugar na ito.
Sa pamamagitan ng SMC Better World Tondo ay nagbigay na ang kumpanya ng kabuuang 168,180 meals 74,099 grocery packages sa 211, 253 na pamilya, simula noong September 2019.
Ang nutribun ng San Miguel ay mataas sa dietary fiber at puno rin ng iron at iodine. Ang mga tinapay ay niluluto sa pasilidad ng SMC sa Sta. Rosa, Laguna at Pasig City.
“With the help of local government units, the Diocese of Malolos, Gawad Kalinga, and Philippine Business for Social Progress (PBSP), and other partners, we’ve managed to distribute breads where they are most needed, to ensure that the poorest of our countrymen don’t go hungry during these difficult times,” wika ni Ang
“We thank our partners for continuing to support us in our various pandemic response activities. It is important that we work together and help each other, continue to observe health protocols, and get vaccinated when our turn comes to win over this pandemic,” dagdag nya.