Iniimbistigahan muli ng tanggapan ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) ang umanoy “for sale promotion” scheme sa Department of Education (DepEd) Central Luzon regional office makaraang muli na naman silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa nasabing anomalya o ilegal na transaksyon sa mga guro na nais na ma-promote.
Ito ang kinumpirma ni PACC chairman Greco Belgica nitong Lunes sa isang “meet and greet” virtual meeting sa mga Bulacan base reporters mula sa inisyatibo ni Rommel Ramos, newly assigned Public Information Officer of the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Office katuwang ang Philippine Information Agency-Bulacan.
Ayon kay Belgica, muling nakatanggap ang kaniyang opisina ng complaint laban sa isang Allan Alba na siyang nangangasiwa umano ng “promotion for sale” scheme sa DepEd regional office sa Central Luzon.
Nabatid na taong 2018, si Alba ay isang opisyal sa Region 3 DepEd office na inimbistigahan ng PACC kaugnay ng umanoy ma-anomalyang pagbebenta ng promosyon sa mga guro sa lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ni Belgica na kalaunan ay napatunayan guilty si Alba at natanggap sa sa posisyon sa DepEd.
Sa ngayon ay patuloy na isinasagawa ang validation sa anomalyang kinasasangkutan umano muli ni Alba sa DepEd regional office sa Central Luzon.
Kaugnay nito ay nanawagan si Belgica sa mga media sa Bulacan at sa publiko sa tulungan sila na labanan ang ganitong uri ng korapsyon.
Naniniwala si Belgica na mahalaga ang parte ng mamamahayag, ang kanilang partisipasyon at pakikipagtulungan sa kanilang kampanya kung saan aniya ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nais palakasin ang laban kontra korapsyon.
“Hnihiling po namin na magtulungan tayo at nais namin kayo maging kasangga na labanan at sugpuin ang corruption sa bansa,” ani Belgica.