IBA, Zambales — Nagkaloob ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng fuel subsidy discount card sa karagdagang 750 mangingisda sa Zambales.
Ayon kay Provincial Agriculturist Crisostomo Rabacca, sila ay tumanggap ng tig-tatlong libong pisong halaga ng ayuda sa ilalim ng programang Fuel Discount for Farmers and Fisherfolks sa pakikipagtulungan sa Development Bank of the Philippines at Universal Storefront.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng San Narciso, San Antonio, Cabangan, Iba, at Botolan.
Matatandaan na nagkaloob ang BFAR ng fuel subsidy card sa naunang 200 mangingisda at magsasaka ng mais sa paglulunsad ng nito na ginanap sa Subic Fish Port.
Humigit kumulang 6,709 mangingisda ang natukoy na benepisyaryo sa Gitnang Luzon kung saan 3,352 ay mula sa lalawigan ng Zambales.
Layunin ng programa na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa lokal na industriya ng pangingisda.