Olongapo City – Ibinasura ng Supreme Court second division ang inihaing petisyon ni Senator Richard Gordon na ang layon ay muling idawit si Olongapo City Mayor Rolen Paulino at iba pang opisyal sa ipinalabas na resolusyon ng Ombudsman na may kinalaman sa isyu ng SM Marikit deal.
Matatandaang, nagpalabas ng resolusyon ang Ombudsman may ilang taon na ang nakakaraan kung saan pinatawan ng dismissal from the service ang anim na mga konsehales ng siyudad habang nadismis naman ang kaso laban kay Paulino at ilan pang mga lokal na opisyal nito.
“Considering the alegations, issues and arguments adduced in the petition for certiorari assailing the resolution dated 21 December 2017 of the Ombudsman – OMB – LC – 16 0320, the court resolves to DISMISS the petition for failure to sufficiently show that the question resolution is tainted with grave of discretion.” ayon pa sa ipinalabas na notice ng Korte Suprema.
“Nasuspinde na ako ng 6 months dahil sa simple misconduct ngayon gusto naman niya (Gordon) na idawit ako sa naging desisyon ng Ombudsman na hindi naman ako kasama at ilan pang mga local officials ko.” ayon kay Paulino. (Dante M. Salvana)