GCQ mode pinaghahandaan ng Pilar LGU

Isang linggo bago matapos ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa maraming bahagi ng Luzon at iba pang lalawigan sa bansa ay pinaghahandaan na ng Pilar local government unit (Pilar LGU) ang inaasahang pagpapatupad naman ng General Community Quarantine (GCQ) kasama ang lalawigan ng Bataan matapos ang Mayo 15, 2020.

Sa panayam ng Bataan newsmen kay Pilar Mayor Carlos Charlie Pizarro, Jr. ay  tiniyak nito na mananatili ang mahigpit na mga checkpoints sa mga quarantine control points sa kanyang bayan kahit isailalim na ang Bataan sa GCQ. 

Sa ngayon aniya ay pinag-aralan at binabalangkas na niya katuwang ang Sangguniang Bayan ng Pilar, ang mga alituntunin at iba pang guidelines sa pagpapatupad ng GCQ at kung paano ito ipapatupad batay sa sitwasyon sa kanyang bayan. 

Nilinaw din ni Pizarro na ang tanging hangad ng kanyang mga ipinatutupad na paghihigpit ay para maproteksyunan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan ng Pilar.

Sa ilalim ng GCQ, papayagan nang bumiyahe ang mga public transportation at bubuksan ang ilang establisimyento at industriya.

Gayunman, ipapatupad pa rin ang mga tinatawag na new normal gaya ng striktong pagsusuot ng facemasks sa public places at pampublikong sasakyan, pagpapanatili ng social distancing, at iba pang health and safety measures para maiwasan ang pagkahawa sa sakit na Covid-19. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews