Hiniling ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia sa DILG ang extension ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine hanggang sa May 31, 2020.
Ito ang nakasaad sa kanyang liham kay DILG Sec. Eduardo Año dated May 12, na humihiling ng nasabing extension ng ECQ matapos ang naging rekomendasyon ng IATF National na ibaba na sa General Community Quarantine ang Central Luzon.
Nauna rito ay nagpasa din ng resolusyon ang Bataan Mayors League na humihiling ng kaparehong suhestiyon hinggil sa ECQ extension base sa naging pulong ng Bataan IATF kahapon.
Sa panayam nitong Lunes kay Governor Garcia kasama ang ilang mamamahayag sa Camp Olivas ay sinabi ni Governor Garcia na dapat ay maisagawa muna ang mass testing bago tuluyang mawala ang lockdown sa mga probinsiya na nasa ilalim ng ECQ.
“Bago tayo mag desisyon kung magluluwag tayo o hindi, kailangan maisagawa muna ang mass testing para makita natin ang tunay na sitwasyon,” pahayag ni Gov. Garcia.