Guro sa Angeles City pararangalan ng KWF

Inanunsyo ng Komisyon sa Wikang Filipino ang opisyal na listahan ng mga gurong tatanggap ng gawad bilang Ulirang Guro sa Filipino 2018 sa darating na ika-1 ng Oktubre taong 2018.

Mapalad na napabilang sa mga tatanggap ng prestihiyosong KWF medalyon at sertipiko ng pagkilala ay si Reggie Oceña Cruz Ed.D. mula sa Angeles City Senior High School sa Pandan, Lungsod ng Angeles, Pampanga.

Ang iba pang mga guro na gagawaran ng KWF ay sina Janette Calimag (Kolehiyo) ng Kalinga State University – CAR, Ma. Jesusa Unciano (Kolehiyo) ng University of Northern Philippines- Rehiyon I, Demetrio Bautista (Sekundarya) ng Alongilan Senior High School – Rehiyon IV-A, Emmanuel Gonzales (Kolehiyo) ng Far Eastern University – NCR, Christine Joy Aguila (Sekundarya) ng Philippine Science High School – NCR, Jayfel Larido Balingasa (Sekundarya) ng Makati Science High School –NCR, Maria Fe Hicana (Kolehiyo) ng Technological University of the Philippines – Taguig Campus – NCR, Julie Gay Quidato (Kolehiyo) ng West Visayas State University – Rehiyon VI at Shandra Gonsang (Klehiyo) ng University of Southern Mindanao – Rehiyon XII.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng KWF, “Maingat na pinili ang mga gurong tatanggap ng gawad batay sa kanilang mga makabuluhang ambag sa mga saliksik pangwika at pangkultura ng kanilang rehiyon, mga gawain sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino, kultura, at wika ng rehiyon sa larangan ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain, at pangunguna sa pagpapahalaga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtataguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.”

Ang Araw ng Gawad ay gaganapin sa Dr. Roberet C. Sy Grand Ballroom, Ikalawang Palapapag, Gusaling Buenaventura Garcia Paredes OP, Unibersidad ng Santo Tomas, Espana, Sampaloc, Maynila sa ganapp na 2:00 ng hapon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews