Hermosa fisherfolks tumanggap ng ayuda mula sa BFAR

Pinangunahan ngayong Hueves ni Mayor Jopet Inton kasama si Municipal Councilor Reggie Santos, ang pamamahagi ng Milkfish Fingerlings Assistance to Fish Growers para sa 18 beneficiaries ng Ahon Lahat Pagkaing Sapat, o ALPAS Program sa buong Bayan ng Hermosa.

Ayon kay Mayor Inton, bahagi ito ng programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nakinabang din mula sa tulong pangkabuhayang ito ng BFAR ang mga mangingisda mula sa iba’t bayan sa Pampanga, Tarlac at Bataan. 

Ayon naman kay BFAR Central Luzon Regional Director Wilfredo Cruz, paraan ang nasabing tulong upang bigyang pugay ang sipag ng mga mangingisdang makapagbigay ng pagkain sa bawat Pilipino, lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandemyang hatid ng Coronavirus Disease o Covid-19. 

Aniya, walang ibang paraan upang kilalanin sila kundi sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang madagdagan ang kanilang kita. (Mhike Cigaral) 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews