Hermosa LGU Naglaan ng P1M Para sa mga Proyektong Pangkabataaan

HERMOSA, Bataan — Pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton nitong Biernes kasama si Konsehal Luz Jorge Samaniego, Municipal Health Office (MHO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) personnel, ang selebrasyon ng “Hermosa Day Care Children’s Month.”

Ginanap ito sa Mandama Covered Court na may temang: “Karapatang Pambata Patuloy na Pahalagahan at Gampanan tungo sa Magandang Kinabukasan.”

Sa kanyang talumpati sa mga day care students ay sinabi ni Mayor Inton na, “Patuloy nating ginagampanan ang mga tungkulin upang maging ligtas laban sa pang-aabuso ang ating mga kabataan at maitaas ang antas ng kabuhayan, kaalaman at partisipasyon ng mga kabataan sa kasalukuyang kalalagayan ng ating pamahalaan.”

Naglabas din ng isang Executive Order si Mayor Inton na naglalayong bumuo ng isang committee at ito ay ang Hermosa Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) na binubuo ng iba’t-ibang departamento ng pamahalaang bayan kasama ang mga National Agencies, katulad ng DepEd, PNP, BFP, non-government organizations, private schools at civic organizations.

Ngayong taon, naglaan ang lokal na pamahalaan ng mahigit P1 milyon para sa mga pambatang programang ng MCPC sa ilalim ng Appropriation Ordinance No. 9 series of 2018. 

“Itaguyod natin at patuloy nating alagaan ang mga karapataan ng ating mga kabataan!”, ani Mayor Inton.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews