Hi-tech na contract tracing, isinulong sa Baliwag

Isang high-tech na contact tracing ang isinusulong ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, kung saan gagamit ng QR code na siyang ipapakita sa bawat establisyemento na pupuntahan, bilang tugon sa sa kampanya laban kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). 

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, ang IAMSAFE ay isang uri ng contact tracing platform na ginawa ng Municipal Information and Communications Technology Office (MICTO). 

Aniya, ito ay naglalayon na mas mapabilis ang data gathering at monitoring ng lokal na pamahalaan, sa kalagayang pangkalusugan ng mga Baliwagenyo at mga bisita galing ibang bayan.

 Binigyang diin din ng alkalde, ang IAMSAFE na ang magsisilbing bagong logbook ng bawat establisyemento sa Baliwag, bilang bahagi ng ipinatutupad na safety protocol ng pamahalaan, at para na rin sa seguridad at kapakanan ng bawat mamamayan. 

Paliwanag din ni Brainard Ardoña, pinuno ng MICTO, na ang IAMSAFE ay pwedeng gamitin ng lahat. Kailangan lamang pumunta sa website na iamsafe.baliwag.gov.ph upang gumawa ng account at i-screenshot ang bibigay na QR o bar code, na siyang ipapakita sa bawat lugar na pupuntahan sa bayan ng Baliwag.

 Gayunpaman, patuloy pa rin na pinapaalalahanan ng Baliwag COVID-19 Task Force ang mga Baliwagenyo na sundin ang mga itinalagang minimum health standards ng pamahalaan, gaya ng, ngunit hindi limitado sa, pagsusuot ng face mask tuwing lumalabas, paghuhugas ng kamay, at ang pagpapanatili ng social distancing. Hiling din ni Mayor Estrella ang kooperasyon at pakikiisa ng bawat mamamayan, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bayan ng Baliwag.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews