House Bill para sa pagtatayo ng Limay District Hospital pasado sa Kamara

BALANGA CITY – Malugod na ibinalita ni Bataan 2nd District Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III na-aprubahan na sa Komite ng Kalusugan ang House Bill No. 7122 o “An Act Establishing a Fifty-Bed Capacity District Hospital in the Municipality of Limay, Province of Bataan, to be known as the Limay District Hospital (LDH), and Appropriating Funds Therefor”.

“Bago pa man dumating ang pandemya ay nakita na natin ang pangangailangan sa karagdagang serbisyong medikal. Mas pinaigting pa ng krisis ang kakulangan sa pasilidad, kama, at ating kasalukuyang limitasyon sa kakayahan upang mapangalagaan ang mga pasyente,” sabi ni Cong. Garcia sa kanyang Facebook Page post. 

Dagdag pa ng mambabatas sa pamamagitan ng LDH, makakapagbigay ang gobyerno sa mga mamamayan ng access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal at pangkalusugan hindi lamang sa residente ng Limay kundi pati na rin sa mga kalapit na bayan sa Ikalawang Distrito kagaya ng Orion, Pilar at Bagac. 

Ang Mariveles ay mayroong sariling district hospital habang sa Balanga City naman matatagpuan ang Bataan General Hospital and Medical Center o BGHMC at mga de-kalidad ding mga pribadong ospital.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews