Iba’t ibang sektor sa Unang Distrito kinalinga ni Rep. Roman

SAMAL, Bataan – Natapos na nitong ika-29 ng Hunyo ang pamamahagi ng food at financial assistance sa iba’t ibang sektor sa anim na bayan sa Unang Distrito ng Bataan.

Ito ang iniulat ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman sa kanyang Facebook Live update nitong June 30, araw ng Martes.

Huling nabiyayaan ang mga jeepney drivers, LGBT community at mga kababaihan sa bayan ng Samal na siyang mga labis na naapektuhan ng krisis bunsod ng Covid-19 pandemic.

Bukod sa cash at food subsidy na ipinamahagi ni Congresswoman Roman ay nagbigay ng karagdagang biyaya si Samal Mayor Aida Macalinao, 5 kilong bigas at gatas naman ang natanggap ng mga LGBTs na kanyang mga kababayan.

Bukod sa pondo mula sa kanyang tanggapan at personal na kapasidad ay tumulong din sa pamamahagi ng ayudang ito si House Speaker Alan Peter Cayetano. 

Sa mga nakalipas na buwan sa kanyang relief efforts ay namahagi rin si Rep. Roman ng 5,000 cavans ng bigas at 12,000 packs ng gatas para sa mga taga Unang Distrito at 10,000 packs ng gatas sa mga mahihirap na mamamayan ng Ikalawang Distrito ng Bataan.  

Nagpasalamat din si Congresswoman Roman sa mga pribadong kumpanya na tumulong din sa kanyang mga relief efforts kagaya ng San Miguel Corporation, Pepsi Cola Philippines, Century Tuna at Pascual Laboratories.

Maging ang religious sector ay hindi nalimutan ni Roman. Nagpasalamat sa kanya si Diocese of Balanga Bishop Ruperto C. Santos dahil sa kanyang mga ipinamahaging alcohol sa mga parokya at simbahan sa Bataan.

Sa mga darating na araw ay tiniyak si Rep. Roman na mamimigay din siya ng alcohol sa mga simbahan ng iba pang faith denominations kagaya ng Aglipayan Churches, Iglesia ni Cristo at mga Protestant and Evangelical churches.

Nitong nagdaang buwan ng Hunyo ay inilunsad din ni Congresswoman Roman ang “OMG, Oh My Gulay Project” sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay at Morong.

Sa naturang proyekto ay tinuruan ang mga benepisyaryo na pawang mga kababaihan sa sistema ng organic farming at kahalagahan ng pagkain ng gulay sa kalusugan.

Binigyan din sila ng mga binhi, organic fertilizer, seedling tray, at mga tips kung paano mapapalago ang kanilang mga ani. 

Sa mga susunod na linggo ay mag uumpisa ang vegetable garden visitation ni Congresswoman Roman kung saan bibigyan ng premyo ang may pinakamaraming ani sa naturang proyekto.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews