
Mariveles, Bataan – Sabay-sabay na ipinagbunyi ng mga kawani ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang ika-125 anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas sa idinaos na flag-raising ceremony ngayong umaga, 8 Setyembre 2025, sa lobby ng AFAB Administration Building.

Sa loob ng mahabang panahon, ipinamalas ng pambansang serbisyo sibil ang pagpapahusay nito sa bawat kawani ng pamahalaan – mga lingkod bayaning may puso, dangal, at galing na alay para sa bayan.

Sa gawaing ito, ipinamalas ng AFAB na kaagapay ito ng Philippine Civil Service sa kanilang mga adhikain, kapara ng sariling pangakong maglingkod nang may integridad, paninindigan, at husay para sa bayan.


