Ikalimang Philippine Quality Award Forum, ginanap sa Angeles City

LUNGSOD NG ANGELES (PIA) — Daan-daang mga kalahok mula sa iba’t-ibang sektor ang nagtipon para sa ikalimang Philippine Quality Award o PQA Forum na ginanap sa Holy Angel University o HAU. 

Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ng Department of Trade and Industry o DTI Regional Director Judith Angeles na layunin ng forum na bigyan ng pagkakataon ang mga organisasyon upang malaman ang tungkol sa mga pamamaraang ginagawa ng mga malalaking negosyo upang mapabuti at making epektibo ang pamamalakad sa kani-kanilang mga kumpanya.

Aniya, magbibigay ito ng giya sa iba pang mga lokal na samahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon kung paano mababago ng PQA ang kultura ng isang organisasyon tungo sa pagpapabuti at pagpapahusay nito.

Samantala, tinalakay naman ni PQA Foundation, Inc. President Ruy Moreno ang mga layunin at balangkas ng PQA, na inilarawan niya bilang isang “katalista para sa pagbabago.”

Aniya, pangunahing layunin ng PQA na baguhin ang kultura upang makamit ang pagpapabuti ng organisasyon at ng mga taong kabahagi sa programa.

Isa sa mga tampok ng forum ang pagbabahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan ng mga institusyong tumanggap ng pagkilala sa PQA sa tong 2015 hanggang 2017. 

Ang nasabing forum ay pinamunuan ng Competitiveness Bureau sa pakikipagtulungan sa Philippine Quality Award Foundation, HAU at DTI Region 3. (CLJD/MJSC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews