Ilang kilalang personalidad sa Bataan nagpabakuna na rin kontra COVID-19

Nagpabakuna na rin kontra COVID-19 ang ilang mga kilalang personalidad sa Bataan.

Nitong nakaraang Lunes at Martes ay nagpost sa kanilang mga Facebook accounts at pages sila Samal Mayor Aida D. Macalinao, Diocese of Balanga Bishop Ruperto C. Santos at former Samal Mayor Gene Dela Fuente matapos silang mabakunahan ng Sinovac vaccine.

Nitong nagdaang Marso ay nagpost din sa kanilang Facebook timelines at My Day stories ang ilang mga barangay officials na nabakunahan naman ng AstraZeneca kabilang si Mulawin (Orani) Punong Barangay Marvin Dela Cruz.

Sa latest update ng Kapitolyo ng Bataan ay umabot na sa 8,096 as of April 12, 202, ang nabakunahan na kabilang ang mga medical workers, barangay officials, at senior citizens. 

Matapos masimulan sa Balanga City ay sinimulan na rin ang pagbabakuna sa nga senior citizens sa mga bayan ng Abucay, Samal at Orani sa Bataan Central Vaccination Center sa Bataan People’s Center sa Bataan Capitol Compound.

Kasunod nang inaasahang pagdating ng bulto ng mga bakuna pagsapit ng 3rd quarter ng taon ay sinabi ni National Task Force Against Covid 19 chief Implementer at Vaccine czar Sec. Carlito Galvez na simula sa Hulyo ay maaari nang mabakunahan ang general public.

Ayon kay Galvez pagdating ng July ay magkakaroon na ng secured at steady supply ng mga bakuna kung kaya’t mababakunahan na ang adult population.

Sa susunod na buwan ay target naman ng pamahalaan na simulan na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 hanggang A5 sa priority list.

Ngayong buwan ng Abril inaasahang nasa 2 milyong mga bakuna ang dadating sa bansa kabilang dito ang 1.5M doses mula sa Sinovac at 500,000 mula sa Gamaleya habang sa Mayo ay tig 2M doses mula sa Sinovac at Gamaleya at 194,000 doses mula sa Moderna.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews