Nanumpa na ang ilang opisyal ng National Academy of Sports o NAS.
Pinangunahan ni Education Secretary at NAS Board of Trustees Chair Leonor Briones ang pangangasiwa sa oathtaking nina NAS Executive Director Josephine Joy Reyes, Deputy Executive Director Emil Arroyo, at System Registrar at Board Secretary Mary Grace Ramoy.
Maging si Patrick Gregorio na magiging miyembro ng NAS Board of Trustees bilang kinatawan ng pribadong sektor.
Ipinahayag ni Briones ang kagalakan sa inagurasyon ng NAS pagkat kailangan aniya ng isang specialized institution na magdedelop sa kakayahan at pagkatao ng mga promising na student-athletes.
Ang naturang paaralan, na itatayo sa New Clark City, ay nalikha sa bisa ng Republic Act No. 11470.
Ito ay attached institution ng Department of Education at magiging katuwang dito ng ahensya ang Philippine Sports Commission.
Layunin nito na hubugin ang mas maraming world-class Filipino athletes at dagdagan ang interes ng kabataan sa isports.
Nakatakda itong tumanggap ng unang batch ng mga estudyante ngayong Agosto 2021.