Imbestigahan tiwaling ISPs

Dahil sa kabi-kabilang batikos ng mamahayan sa palpak na serbisyo ng mga pribado at malalaking telecommunications companies at Internet Service Providers (ISPs) sa bansa, ninais ng Senado na imbestigahan na ang mga tiwaling kumpanya na ito na diumano ay nagpapahirap sa mga consumers.

Pinangungunahan ni Senador JV ejercito ang pag papaimbestiga sa mga tiwaling telecommunications companies. Aniya walang naging pagbabago sa kalidad ng serbisyo ng mga telcos.

Ano nga ba ang mga inerereklamo ng mga subscribers? Isa na dito ang mabagal o minsan nawawalang Internet connections na umaapekto sa kanilang mga businesses. Ito ay may epekto rin sa pagaaral ng mga estudyante sapagkat nahihirapan silang gumamit ng Internet.

Ang ilan din sa reklamo ay ang wala o mahinang signal ng mga telepono at pagkawala ng load.

Kung matutuloy ang imbestigasyon sa Senado, tiyak na mag aapura ang mga malalaking telcos katulad ng Smart at Globe upang bigyan na ng pansin ang mga hinaing ng mamamayan.

Sa Angeles City, binatikos din ang Converge ICT Solutions Inc. na pag aari ng intsik na si Dennis Uy. Kabi-kabilang batikos na ang natanggap ng Converge ngunit wala pa rin pagbabago sa kalidad ng serbisyo. As usual, mahina pa rin ang Internet connections at kung minsan nawawala din.

Ani Senador Ejercito, “dapat naman nasusulit ang bawat piso na ibinabayad ng mga subscribers.”

Dapat na rin sigurong wakasan ang monopoly sa industriya ng telecommunications. Di bat sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuksan niya ang bansa para sa mga international companies? Kailangan siguro ay papasukin na ang ibang kompetisyon sa telecommunications upang bumaba ang presyo at bumuti ang serbisyo.

Matagal na rin ang Converge sa Angeles City at dapat na rin siguro na wakasan ang bulok na sistema. Ang DOBLE VISTA ay bukas para kay Mr. Uy upang makapagbigay siya ng kaukulang inpormasyon hinggil sa problema ng mabagal na Internet.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews