Pinangunahan ni Sen. Imee Marcos ang distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2,000 residente ng Baliwag City ngayong Miyerkules, Pebrero 7, 2024.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa Baliwag Star Arena sa pangangasiwa ng DSWD personnel kung saan si Marcos ay sinamahan nina Baliwag City Mayor Ferdie Estrella, ang kaniyang ina na si Mayora Sonia Estrella at mga konsehal ng Sangguniang Panglungsod.
Ang mga kuwalipikadong beneficiaries ng P3,000 each ayon kay Estrella ay ang 2,000 residente mula sa mga displaced vendors at force multipliers.
Nabatid na kasalukuyang pinapagawa ng pamahalaang lungsod ang Pamilihang Lungsod kaya naman sa kasalukuyan ay walang permanenteng puwesto ang mga tindera rito.
Si Senator Marcos ay sinamahan din ng mga Barangay Captain at kawani ng city hall na kung saan bukod sa AICS payout ay namigay din ang senador ng laruan at Nutriban sa mga bata.
Nagpasalamat ang mag-inang Estrella at Baliwag LGUs kay Sen. Marcos at sa DSWD sa paglalaan ng cash assistance sa kanilang mga kababayan.
Ang AICS program ay social safety net o stop-gap mechanism na sumusuporta para makabangon ang mga indibidwal o pamilyang naapektuhan ng krisis gaya ng pagkakasakit, namatay na kapamilya at iba pang crisis situations.