Imee Marcos nanguna sa pamamahagi ng AICS payout sa 3,631 Bulakenyo

CITY OF MALOLOS – Pinangunahan ni Senator Imee Marcos kasama si Mayor Christian Natividad at mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III at City Social Welfare and Development Office ang isinagawang pamamahagi ng  Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout na ginanap nitong Miyerkules (Pebrero 28).

Ang nasabing AICS payout distribution ay unang isinagawa sa Lungsod ng Malolos kung saan si Marcos at Natividad ay ipinamahagi ito sa  2,000 beneficiaries na pawang mga residente rito na nakatanggap ng  P3,000 each.

Inanunsiyo rin dito ni Sen. Marcos ang paglalaan ng P100-milyong budget para sa Zone Protection and Structure and Waterways sa Barangay San Vicente, City of Malolos.

Personal naman na pinasalamatan ni Natividad ang tanggapan ni Senator Marcos dahil sa patuloy na pagbaba ng mgatulong at suporta para sa mga Malolenyo.

Sumunod naman na pinuntahan ni Marcos ang Lungsod ng Meycauayan at dito ay isinagawa rin ang kaparehong aktbidad.

Tig-P3,000 bawat residente rito ang nakatanggap ng 3,000 baat isa kung saan kasama ng senador si Mayor Henry Villarica ay namahagi rin sila ng Nutribuns at mga laruan sa mga bata.

Nasa 1,631 AICS payout beneficiaries ang nakatanggap ng cash assistace.

Ang AICS payout ay bahagi ng DSWD program na naglalayon na matulungan ang mga pamilya that aims to meet the needs of families and individuals in unexpected circumstances such as sudden unemployment/economic loss, illness or death of love ones.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews